Panuntunan sa magiging OIC sa ARMM ihahayag

MAGPAPALABAS ng isang Administrative Order sa darating na linggo si Pangulong Benigno Aquino III para sa pagbuo ng screening committee na sasala sa mga posibleng uupong Officer-In-Charge sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Una ng inihayag ng Malacañang na ang mga mangangasiwa sa paghahanap ng mga ilalagay na OIC sa nasabing rehiyon ay sina Interior Secretary Jesse Robredo, Presidential Adviser on the Peace Process Teresita Ging Deles at Presidential Political Adviser Ronald Llamas.

Matatandaang tiniyak ng Malacañang na kokonsultahin nila ang mga stake holders sa pagpili ng mga OIC upang hindi magkaroon ng agam-agam na sila lang nagtalaga sa mga ito ng hindi nagtatanong sa mga residente ng nasabing rehiyon.

Kabilang sa mga itatalaga ni Pangulong Aquino ang gobernador, bise gobernador, at mga miyembro ng legislative assembly bago mag ika-30 ng Setyembre.

Lalagdaan umano ni Pangulong Aquino ang panukalang batas sa pagpapaliban ng halalan sa ARMM sa Hunyo 30 kasabay ng paggunita sa unang anibersaryo ng Aquino administration.

Sinabi ni Presidential Adviser on Political Affairs Ronald Llamas, makabuluhan ang timing dahil ang ipinatutupad na reporma sa ARMM ay kongkretong patunay sa palatapormang “tuwid na landas” ng Pangulong Aquino.

Ang mga potential appointees umano ay hindi dapat sangkot sa anumang criminal case, may magandang rekord at dapat pabor ito sa mga repormang itinutulak ng Aquino administration sa rehiyon.

Mas malaki ang tsansa umanong maitalaga ang mga Muslim at nakatira sa ARMM.

Nakatakdang lalagda din sa isang covenant ang mga OICs na hindi na sila tatakbo sa 2013 mid-term elections. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply