Parak, binoga bago ginilitan ng leeg sa Ilocos

BINARIL muna bago ginilitan ng leeg ang isang retiradong pulis ng hindi nakilalang salarin sa loob mismo ng kanyang videoke bar sa Ilocos Sur.

Halos humiwalay na ang ulo sa katawan ni SP04 Ernesto Tubon, may –ari ng Verano Videoke bar at residente ng Barangay Napo, Magsingal, Ilokos Sur.

Nakatakas naman ang suspek na inilarawang nasa 30-35 anyos, 5’4, maitim at nakasuot ng kulay puting t shirt at maong pantas at naka-baseball cap.

Sa ulat na  nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente alas-11:30  kagabi sa loob  mismo ng videoke bar ng biktima.

Bago ito, abala ang biktima sa pag-aasikaso ng kanyang mga kostumer nang biglang sumulpot ang suspek at sa hindi  malamang dahilan ay binaril siya sa ulo.

Hindi pa nakontento, inangat pa ng suspek ang ulo ng biktima bago ginilitan gamit ang itak bago tumakas.

Inaalam na ang motibo sa krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply