Parak dedo dahil sa pumalpak na armas

ISANG bagitong pulis ang namatay sa pagresponde sa isang away matapos umanong pumalya ang baril nito sa bayan ng Catarman, Northern Samar.

Bukod kay PO1 Jasper Sampaga, miyembro ng Northern Samar Police Station, namatay rin ang isang Randy Bagua sa pananaksak.

Pinaghahanap naman ang suspek na si Ryan Santos, 30, kapitbahay ni Bagua sa Barangay Dalakit.

Ayon kay SPO2 Leo Magtayo, bandang alas-otso ng gabi nang magtalo sa harap ng isang KTV bar sina Bagua at Santos na nauwi sa pananaksak ng huli sa una.

Dito rumesponde si Sampaga, subalit hindi pumutok ang service firearm kaya naman sinamantala ni Santos at sinaksak ang pulis.

Makaraang mapaslang sina Baguia at Sampaga ay tumakas agad si Santos.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply