Pasahero namaril ng drayber

ISANG pasahero ang namaril ng drayber ng sinasakyang bus matapos ilampas ito sa kanyang dapat babaan sa Malabon City.

Nabatid na binaril ng hindi nakilalang pasahero makaraang hindi naihinto ng drayber ng bus sa pagbababaan ng suspek.

Nagtalo umano ang dalawa at umabot sa pamamaril sa drayber, na nakilalang si Renato Quijano.

Dalawang putok ang pinakawalan ng salarin at tumama ito sa ulo ni Quijano. Kaagad naman bumaba ang pasahero matapos ang insidente.

Kasalukuyang ginagamot ang biktima sa Fatima Medical Center sa lungsod ng Valenzuela.

 

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply