Pasan ni Noynoy ang ‘bestfriend’ ni Tita Cory

BESTFRIEND ni Mommy, yan ang sumisira sa administrasyong Aquino kaya’t pababa ang takbo ng “rating” ni Noynoy.

Alam na ng Malacañang na puro kapalpakan ang ginagawa ng PCSO Chair at Tita Cory bestfriend na si Margie Juico pero hindi pa rin ito inaaksiyunan ni Pangulong Noynoy.

ILAN PA ANG PAPATAYIN

Sa kasalukuyan ay umaabot na sa 5 ang namamatay na bata na may sakit sa atay (biliary atresia) simula nang manungkulan bilang chairwoman si Juico.

Yan po ay mga pasyente pa lang na tinutulungan ng National press Club.

Pilit pinapupunta ni Juico sa Medical City ang mga pasyente para doon kuomunsulta at magpagamot, bago nila ito bibigyan ng tulong.

BESTFRIEND NA NAMAN

Bakit? Dahil ba bestfriend ninyo ni Tita Cory ang presidente ng Medical City na si Dr. Alfredo Bengzon?

Hindi na binibigyan ng financial assistance ang mga pasyente na magtutungo sa Taiwan para sa liver transplant. Para ho sa ikaaalam ng lahat, 97% ang survival rate ng Chang Gung Taiwan sa lahat ng kanilang bata na naisailalim sa liver transplant.

HUWAG N’YO KAMING LOKOHIN

Sa Medical City… Iisa palang ang liver transplant sa bata na nakalusot pero hindi ito biliary atresia kundi NEO NATAL HEPATITIS.

Sa madaling salita malusog ang mga ugat ng atay kaya’t mas mabilis ang procedure na ito kaysa sa B.A..

PRESYONG MAYAMAN

Aminin n’yo man o hindi ay mas mahal dito sa sarili nating bansa kaysa sa Taiwan ang liver transplant. Bakit?  Sa Taiwan ang P3.5-M ay kasama na ang pre-operation at after operation procedure pati ang mga gamot.

Pero sa Medical City ay operation proper palang yang P3.5-M.

Sa madaling salita bukod pa ang bayad d’yan sa konsultasyon, gamot ,etc, etc.

MAMATAY KANG NAKADILAT

Kapag kinulang ka ng pera papuntang Taiwan ay mapipilitan ka sa Medical City magtungo at kapag sinabi na hindi kaya ng Medical City ang sitwasyon ng bata, asahan mo na lang na mamamatay ang bata na nakadilat. Hindi man lang sasabihin sa PCSO na Chang Gung lang ang makakakaya sa sitwasyon ng pasyente.

SENTENSIYADO NA  PO ANG BATA!

oOo

Anomang reklamo ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o itawag sa 09214303333.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply