Pasaporte ni Hubert Webb ‘authentic’ – DOJ

HINDI peke ang pasaporte na ginamit ng anak ni dating senador Freddie Webb na si Hubert nang nagtungo ito sa United States bago maganap na pagpatay kay Estrelita Visconde at anak nitong sina Carmela at Jennifer noong Hunyo 1991

Sa isinagawang command conference, sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na pinatunayan ng mga eksperto mula sa National Bureau of Investigation (NBI) at Central Bank na “authentic “ ang ginamit ni Webb na pasaporte noong ito ay nagtungo sa United States bago naganap ang Vizconde massacre.

“It was a result of the examination of the NBI and the Central Bank. They tested it and found to be true and the materials of the passport was really that of the passport issued by the (Department of) Foreign Affairs,” ayon kay de Lima.

Ipinaliwanag ni De Lima na mahalaga ang pag-aaral nila tungkol sa pasaporte ni Webb  upang matukoy kung may katotohanan ang nasabing impormasyon.

Sinabi pa ng kalihim na ang pasaporte ni Webb ang isa sa mga mahahalagang dokumento na kailangan ng Task Force, na kinabibilangan ng PNP at NBI upang madetermina kung totoong nagtungo nga si Webb sa US bago naganap ang pagpatay sa m,ga Vizcondez.

Matatandaan na iginiit noon ni Webb na nasa Orange County sa California siya nang naganap ang masaker noong 1991.

Gayunman, sinabi pa ni De Lima na hindi pa rin lusot si Hubert  dahil kinakailangan pa umanong alamin kung siya nga ang gumamit dito.

“The passport maybe authentic but was he the one who really used it? Did he really leave the country? We don’t know and that would be the next task of the task force,” ayon kay De Lima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply