Paslit sinakal, sinaksak at ibinaon ng sariling ina

ISANG 23-anyos na ginang na hinihinalang may diperensya sa pag-iisip ang inaresto ng mga kagawad ng Agusan Del Norte PNP matapos nitong patayin sa sakal at saksak ang sariling anak bago ito inilibing sa isang hukay malapit sa kanilang bahay kagabi, Hunyo 28, iniulat Miyerkules ng pulisya.

Base sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang pagpatay bandang ika-7 kamakalawa ng gabi sa mismong bahay ng mag-ina sa Purok 7, Sitio Kapatagan, Barangay Gosoon, Carmen, Agusan del Norte.

Ang biktima ay nakilalang si Cris Lawrence Alerette, 2.

Sa inisyal na pagsisiyasat, sinasabing sinakal ni May Amor Pizzaro ang kanyang anak. Hinihinala may post partum syndrome ang ginang o nawawala ito sa wastong kaisipan dahil mismong ito ay nagulat na lamang nang makitang wala ng buhay ang nag-iisang anak.

Subalit lumilitaw din na madalas na nag-aaway ang suspek at ang bago nitong kinakasama dahilan kung bakit laging mainit ang ulo ng suspek.

Batay sa imbestigasyon, napansin umano ng isang kapitbahay na si Ruth Jumawan ang suspek na naghuhukay sa tabi ng kanilang bahay. Tinanong pa ni Jumawan ang suspek kung nasaan ang anak nito at kung saan gagamitin ang hinuhukay na lupa.

Paulit-ulit niyang tinanaong ang suspek hanggang aminin nito ang nagawang krimen.

Lumabas sa pag-susuri, may saksak sa kanyang tiyan ang bata at may pasa sa tagiliran ng katawan nang ito ay nahukay mula sa pinaglibingang lupa na mababaw lamang na may lalim lang na katumbas ng paa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply