Pastor inireklamo ng 3 menor de edad

ISANG pastor ng Bible Baptist Church ang inireklamo ng tatlong menor de edad na babae matapos umano silang molestiyahin sa bayan ng Pasuguin, Ilocos Norte.

Ang nasabing reklamo laban sa 23-anyos na pastor ay lumabas nang ibunyag  ng kamag-anak ng isa sa naging biktima nito.

Nabatid na unang namolestiya ang isang 14-anyos noong Disyembre 27, 2010.

Itinago sa pangalang Kristy, 14, naman ang sumunod na pinagsamantalahan ng pastor noong Pebrero 3, 2011 habang naunsyami naman ang tangkang pangmomolestiya sa ikatlong biktima noong Marso 3.

Sinasabing naisasagawa umano ng suspek ang pangmomolestiya sa mga biktima sa kanilang mission house.

Tinakot umano ng pastor ang mga biktima na huwag magsusumbong sa kanilang mga magulang at maging sa pulisya dahil nakakahiya umano sa kanilang samahan sa simbahan.

Hindi naman ito kinunsinti ng kanilang grupo at galit  na galit ang mga miyembro ng Bible Baptist Church sa ginawa nito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply