Pasukan ng klase bukas tiniyak na hassle free

MAGSASAGAWA ng inspeksyon ang Department of Education (DepEd) sa muling pagbubukas ng klase sa lahat ng mga paaralan sa buong bansa bukas.

Layunin ng ahensya na personal na alamin ang mga problema sa unang araw ng pasukan upang matiyak na walang hassle na mararanasan ang mga estudyante.

Ito ay maliban pa sa ginagawang aksyon ng DepEd sa mga naisumbong na problema sa kanilang action center.

Ayon nga sa “action center balik eskwela” ng tanggapan, tuloy-tuloy ang kanilang mga natatanggap na reklamo. Magtatagal ang action center ng DepEd hanggang Hunyo 10 upang aksyunan ang mga problema sa mga paaralan gaya na lamang ng paniningil ng bayad ng ilang mga public schools.

Inaasahan naman ang higit sa 25 million na mga estudyante na papasok bukas.

Samantala, mahigit 138,000 pulis naman ang magbabantay para matiyak ang seguridad sa pagbabalik eskuwela sa mga pribado at pampublikong paaralan.

Ayon kay PNP chief Director Gen. Raul Bacalzo, nag-isyu na siya ng letter of instruction sa lahat ng PNP regional offices at national support units para sa seguridad na ipapatupad at public safety plan.

Partikular na tututukan ng pulisya ang posibleng insidente ng pickpocketing, snatching, swindling, hold-up, at drug trafficking.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply