Pateros jailbreak, 1 balik-kulungan

ISA sa apat na takas ang balik-bilangguan matapos madakip ng mga kagawad ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) ng Pateros Metro Manila, Linggo ng umaga matapos ang naganap na jail break sa Sitio Moonlight, Barangay Hagonoy, Taguig City.

Sa isinagawang manhunt operation ng mga awtoridad, nakilala ang nahuling takas na bilanggo na si Erwin Constantino, 24, ng 47 Tuazon St., Brgy. Poblacion, nabanggit na lungsod, nahaharap sa kasong robbery hold-up.

Si Constantino ay madaling natunton sa pinagtataguan makaraang isumbong ito mismo ng kanyang nobya sa mga pulis.

Sumuko naman ng payapa ang takas na bilanggo nang himukin ng kasintahan.

Samantala, patuloy pa rin ang pagtugis ng mga pulis sa iba pang takas na bilanggo na sina Rowel Labios at Antonio Reyes, alyas ‘Pido’ ng 225 E Quige St., Brgy. Aguho, Pateros, Manila.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply