PCG nakaalerto na

NAKAALERTO na ang Philippine Coast Guard (PCG) pati na ang kanilang mga volunteer groups para sa sunod-sunod na rescue operations ngayong panahon ng tag-ulan.

Ayon kay PCG Commandant Admiral Ramon Liwag, ito ay bahagi na  ng kanilang paghahanda sa sunod-sunod na pagpasok ng bagyo sa Pilipinas.

Kasabay nito ay nanawagan din si Liwag sa publiko na ipagbigay alam kaagad sa kanila ang sitwasyon sa mga lugar na nangangailangan ng responde para matugunan nila ito.

Mahalaga aniya ang matinding koordinasyon ng taumbayan at ng awtoridad para sa mabilis na pagsagip sa mga naapektuhan ng kalamidad.

Ayon naman kay PCG spokesman Lt. Commander Algier Ricafrente, inatasan nila ang kanilang mga tauhan na maging handa para rumesponde sa anumang epektong idulot ng bagyong Falcon.

Sa ngayon aniya ay wala pa silang naitatalang stranded na pasahero sa mga pantalan dahil tuloy pa naman ang paglalayag ng mga barko dahil sa kawalan ng storm signal ng Bagyong Falcon sa alinmang lugar sa bansa. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply