PCSO at pagtatapos ni PNoy sa kindergarten sa Palasyo

DALAWANG araw na lang, isang taon na ang Pangulong Noynoy Aquino sa poder.

Hunyo 30 nang manumpa bilang Pangulo sa Luneta at pumasok si PNoy sa Malakanyang. Mula noon, siya na ang Boss ng mahal kong Pinas at wangwang lang sinabi niyang “Kayo ang boss ko!”

Eh ang mayor nga lang na nagrereklamo ay kinuyog nilang taga-Palasyo. Di lalong kukuyugin nila ang isang ordinaryong mamamayan na magsasabi ng negatibo kay PNoy!

Patapos na sa kanyang Kindergarten sa Palasyo si PNoy at kailangan na talagang malagyan ng grado ang kanyang class card.

Sa katunayan, may naglalagay na ng grado. May naglalagay ng pasado, ng pasang awa at bagsak. May ayaw namang magbigay ng grado at maaga pa umanong gawin ito. Mag-aantay sila ng siyam-siyam bago nila hatulan si PNoy.

PCSO NI MARGIE JUICO

Kung susukatin man si PNoy sa mga panahong ito, maaaring gawin sa pamamagitan ng programa niya sa mga mahihirap at maysakit. Ispesyal na bigyan natin ng pansin kung ano ang ginagawa ni PCSO Chairman Margie Juico sa mga nanghihingi ng tulong sa PCSO.

Sa pagkakaalam natin, may mga namatay nang maysakit dahil sa kakuparan  nina Juico na umaksyon at dahil sa tila maling patakaran.

Pinakahuling namatay si Rowena Arivara na pinabalik-balik nina Juico para manghingi ng tulong sa PCSO. Hayun at namatay siya sa pagod at sa sakit sa kababalik-balik sa PCSO at kawalan na rin ng tulong ng CHARITABLE AGENCY nina PNoy at Juico. Inilibing na si Arivara kahapon.

Ipinipilit din nina Juico na gamutin sa ospital sa Pilipinas ang mga may sakit sa atay na sa isang Taiwan hospital lang succesful ang operasyon. May namatay na rin sa mga ito. Ayaw magbigay ng tulong sina Juico sa mga pasyente na dapat sanang ginamot sa Taiwan hospital kahit malayong mas mura roon kaysa ospital na gusto nina Juico. Bakit?

DOE NI RENE ALMENDRAS

Dito rin pupuwedeng husgahan si PNoy. Walang ginawa itong si Almendras para sawayin ang mga kompanyang langis sa oil price hike at sa halip, naging propeta ito ng OPH. Kaya bagsak si PNoy sa class card na hawak ng mga driver at operator.

Di ba, G. George San Mateo?

oOo

Anomang reklamo ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o itawag sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply