PCSO: Fund raising agency, hindi charitable agency

MAY napapansin ba kayo, mga Bro, sa bagong pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office?

Ukol ito sa premyo ng Lotto.

Kung palaki nang palaki ang premyo, natataranta ang mga ito at nag-iingay silang patawan ng malaking buwis.

Isinasangkalan nila ang nangyari sa isang balikbayan na nanalo ilang buwan na ang nakararaan ng mahigit P600 milyon.

Siningilan ng mga Amerikano ang suwerteng mama ng kung ilang porsiyento bilang buwis.

Nang umabot na sa P300 milyon ang premyo na napanalunan ng isang barangay tanod sa Las Piñas, nag-iingay na naman ang mga ito para mabuwisan ang premyo.

Para ano ba talaga ang PCSO?

Fund raising agency?

TAHANAN NG MAY KANSER NAPABAYAAN

Nagtatanong tayo kung fund raising agency ang pangunahing dahilan ng pagtatatag ng PCSO.

Kaugnay ito ng napababalitang tuluyan nang pagputol ng PCSO ng tulong sa CHILD HAUZ na tahanan ng mga batang may kanser.

Ang PCSO ang inaasahan ng mga nag-aalaga sa mga may kanser pero tila sinisimulan na umanong alisan ang Child Hauz ng tulong sa pagsasabing proyekto ito higit ng non-government organization at hindi ng PCSO.

CARITAS MANILA NILALAYUAN NA

May ulat na ring itinitigil na ng PCSO ang ayuda nito sa Caritas Manila na pangunahing organisasyon ng mga mananampalatayang Katoliko para sa mga mahihirap at squatter lalo na sa Metro Manila.

Kung iisipin, hindi kaya ng pamahalaan na lingapin ang lahat ng mga mahihirap.
Isipin pang ang daming programa ng pamahalaan na nagtutulak sa mamamayan para maging mahirap.

Ngunit inaabandona ng PCSO ang ayuda nito sa mga mahihirap at squatter na  dapat asikasuhin mismo ng pamahalaan.

Nangyayari ito sa pag-talikod ng PCSO sa partnership nito sa Caritas Manila.

PARA ANO BA TALAGA ANG PCSO?

Muling babalik ang katanungan, mga Bro, ukol sa pagkakalikha ng PCSO.

Ito ba’y para higit na kumita kaysa gumastos para sa mga nangangailangan, lalo na ang mga mahihirap at nagkakasakit?

Para kanino ang PCSO?

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply