PCSO kakastiguhin sa pagkamatay ng 31 pasyente

NANGGAGALAITI sa galit si Senadora Miriam Defensor Santiago sa napaulat na 31 pasyente ng kidney transplant na namatay dahil sa umanoy pagbawi ng ilang opisyal ng Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) sa financial assistance na inaprubahan para sa mga kawawang pasyente.

Dahilan ito upang magpatawag ng pagdinig ang senadora kung saan ay gigisahin nito ang mga opisyal ng PCSO sa pagtanggi na tulungan ang ilang pasyente na nauwi sa pagkamatay ng mga ito.

Ayon kay Santiago, ang pagpapatawag ng pagdinig ay in an aid of legislation upang makapagtakda ng guidelines para sa pagpili ng mga benipisyaryo ng PCSO, lalo na sa mga may malubhang karamdaman.

Magugunita na mismong si dating PCSO Chairman Manoling Morato ay nagreklamo sa pagtanggi ni PCSO Chairman Margie Juico na tulungan ang ilang mga mahihirap na pasyente na may stage 4 cancer.

Ayon kay Morato, hindi makatarungan ang naging dahilan ni Chairman Juico na tumanggi na magbigay ng tulong sa mga patient cancer dahil sa mamamatay na rin aniya ang mga ito.

Bukod dito, tinanggihan na rin ng National Kidney Transplant Institute ang mga pasyente na sumasailalim sa dialysis dahil sa binawi ng PCSO ang kanilang guarantee letters para sa medical assistance.

Lumalabas na nagdadamot na umano ang PCSO sa kanilang mga pasyente dahil sa cost cutting measures sa kabila ng bilyong bilyong piso na kinikita sa operasyon ng lotto at ibang pang numbers game.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply