PCSO, P4-B ang utang sa mga ospital

UMAABOT sa apat na bilyong piso ang utang ng Philipine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mga ospital dahil naging delingkwente sa pagbabayad ang nakaraang pamunuan ng ahensiya.

Ayon kay PCSO director, Mabel Mamba, lahat ng ospital ay mayroong hindi nabayarang guarantee letters ang PCSO.

Dahil dito, mayroon na umanong mga ospital ang hindi na tumatanggap ng guarantee letters mula sa PCSO, partikular na ang National Kidney Transplant Institute (NKTI) at St. Luke’s Medical Center.

Sinisikap umano ngayon ng ahensiya na bayaran paunti-unti ang apat na bilyong utang na ito sa mga ospital.

Kasabay nito, nilinaw ni Mamba na hindi totoong nililimitahan nila ang pagbibigay sa mga humihingi ng tulong para sa medikal na pangangailangan.

Aniya, ito ay depende sa assessment ng social worker at kahit pa malaki ang hinihinging tulong ay ibinibigay ito ng pondo ng PCSO.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply