PCSO ipinaaalis sa pamumuno ni PNoy

HINAMON ng isang Catholic bishop si Pangulong Benigno Simeon Aquino III na alisin na sa pamamahala ng Office of the President (OP) ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), kasunod ng nabunyag na PCSO fund scam.

Ayon kay Sorsogon Bishop Arturo Bastes, ito ay upang hindi magmistulang ‘piggy bank’ at ‘gatasan’ ang PCSO at magamit ang pondo nito ng mga tiwaling pinuno para sa kanilang pansariling interes.

“It should be transfer to an another agency. Hamon natin ito kay PNoy. Kung nais niya na maiba sa ibang naging Pangulo na nagiging gatasan o piggy bank ang PCSO, e dapat ihiwalay niya ito sa kanyang office,” pahayag ni Bastes.

Kasabay nito, iminungkahi ng Obispo na dapat nang bumuo ng independent office ang gobyerno na pamumunuan ng iba’t ibang non-government organizations at iba’t ibang sektor sa lipunan upang maiwasan at magamit sa katiwalian ang pondo nito.

Iginiit ni Bastes na hindi dapat pamahalaan ng pangulo ang PCSO dahil aniya sa kasaysayan na nagagamit ang pondo nito sa katiwalian at personal na pangangailangan ng isang Pangulo.

Nauna rito, ibinunyag ng PCSO na umabot umano sa P4 bilyon pondo ng PCSO ang nagamit noong panahon ni dating Pangulong Arroyo.

Kabilang umano sa nakinabang ay pitong Obispo ng Simbahang Katoliko na tumanggap ng mga Mitsubishi Pajero mula kay GMA.

Naniniwala naman ang mga Catholic bishops na ‘pamumulitika’ lamang ito at layunin ng Malakanyang na sirain ang kredibilidad at patahimikin ang mga Obispo dahil sa mahigpit na pagtutol nila na maipasa ang Reproductive Health (RH) bill at Divorce bill na suportado nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply