PDEA-10 director ililipat sa ARMM

CAGAYAN DE ORO CITY— Maugong ngayon ang haka-haka at mga opinyon na ililipat sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency 10 (PDEA-10) dahil sa kanyang “pagkakamali” ng pamunuan niya ang pagsalakay sa shabu tiangge sa Ozamiz City noong nakaraang buwan.

Ito ay matapos ibunyag ni Lt. Col. (retired) Edwin Layese na siya ay ililipat na sa PDEA-ARMM dahil s utos ng PDEA national headquarters.

Matatandaan na pinamunoan ni Layese ang pagsalakay ng mga ahente PDEA-10 sa Purok 5, Lawis, San Roque, Ozamis City kamakailan lang kung saan nasabat nila ang 12 piraso ng shabu na nakasilid sa transparent plastic sachets na nagkakahalaga ng P200,000.

Ayon sa mga haka-haka, ang pagsalakay na ito ni Layese sa Lawis ang pinakamalaking pagkakamali niya sa kanyang karera bilang sundalo ng gobyerno.

Ayon sa mga opinyon, maaring nasagasaan ni Layese ang malalaking “isda” sa ginagawa niyang halos araw-araw na mga pag-raid at mga operations laban sa mga tulak ng droga.

Matapos maibalita ni Layese ang kanyang nakaambang paglipat sa PDEA-ARMM, agad namang kumilos ang City Council at ipinasa nila ang isang resolution na nag-request­ kayPDEA Director General Jose Gutierrez Jr. na i-retain si Layese bilang PDEA-10 director.

Ayon kay Kagawad Ian Mark Nacaya, hepe ng Committee on Police, Fire and Public Safety, naniniwala siyang merong“somebody” na hindi nasiyahan sa mga accomplishments ni Layese sa PDEA-10 kaya gusto niya itong ipatapon sa ARMM.

Pormal na ibinigay ni PDEA Director Rene Orbe ang relief/transfer order ni Layese noong Sabado.

“I was already briefed na ililipat siya. But I see this fellow been exposed to the field and doing preventive measures as well in fighting against illegal drugs,” sabi ni Nacaya.

Lahat ng operasyon ng PDEA-10, sa pamumuno ni Layese ay may kasamang taga media upang ipakita na walang hocus-pocus sa kanilang ginagawa.

Ito ay ikinatuwa naman nga mga lokal na mambabatas, lalong-lalo na ni Nacaya.

Si Kagawad Ramon Tabor ay hindi rin nasiyahan sa desisyon ng PDEA Manila na ilipat si Layese sa ARMM.

“It’s adding insult to injury. Why at the Autonomous Region in Muslim Mindanao in all places?”  tanong ni Tabor.

Sinabi din niya dapat makinig ang Manila sa boses ng Cagayan de Oro. Ipinadala na ang resolution ng City Council sa PDEA Manila at sa Office of the President at Department of the Interior and Local Government (DILG). Albus D. Estabas

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply