PDEA, BJMP may bagong kasunduan vs illegal drugs

ANG Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ay lumagda sa panibagong kasunduan upang pigilan ang mga insidente ng paglaganap ng pinagbabawal na droga sa buong pasilidad ng bilangguan.

Magugunita na nitong nakaraang Biyernes, lumagda sa Memorandum of Agreement sina PDEA Director General Undersecretary Jose Gutierrez Jr., at BJMP Director Rosendo Dial para sa pagpapatuloy ng dalawang ahensya sa epektibong pagpapatupad ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2001, lalo na sa loob ng bilangguang nasasakupan.

Isinulong ni Gutirrez ang paglagda sa MOA upang buhayin ang tatlong taong kasunduan sa pagitan ng dalawang ahensya na nagtapos nitong Abril 2011.

Ang bagong kasunduan ay nakatuon sa pamamayagpag ng illegal drug activities ng mga drug lord na nakapiit sa bilangguan.

Ayon kay Gutierrez, ang bagong nilagdaang MOA ay hindi katulad ng dating nilagdaan na kasunduan, sa panibagong kasunduan, ipatutupad ang buong puwersa sa pagbibigay ng intelligence-sharing at pagpapatupad na magkasanib ng puwersa sa imbestigasyon sa hurisdiksyon ng BJMP.

Nasasad din sa MOA na ang PDEA ay awtorisadong magsagawa ng sorpresang inspeksyon sa kapaligaran ng bilangguan sa pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng BJMP.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply