Pedicab driver todas sa bugbog ng 6 na kelot

HALOS pitong araw ang nagdaan, bago binawian ng buhay sa Mary Johnston Hospital dahil sa mga bugbog sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan ang 30-anyos na pedicab driver nang lamugin ng anim na kalalakihan sa Tondo, Manila, iniulat Huwebes.

Nabatid na 5:30 ng madaling-araw kanina nang bawian ng buhay ang biktimang si Jepoy Lopez, may asawa ng Brgy. 183, Road 10 Claribel Compound, Tondo, Manila.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng Manila Police  District-Homicide Section, upang matukoy ang pagkakilanlan ng anim na lalaki.

Batay sa ulat ni Det. Jason Ibasco, nitong nakaraang Hunyo 2, dakong 4:16 ng madaling-araw nang makita  ni Shiela ang anim na kalalakihan  na pinagtutulungan si Lopez na bugbugin sa harapan ng Magat Salamat Elementary School sa Pavia at Sta. Maria sts., Tondo.

Nilubayan  lamang ang biktima ng anim nang umawat ang ka-live-in ng biktima kaya agad nilang isinugod sa pagamutan ang biktima pero namatay din makaraan ang pitong araw.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply