Pekeng gamot nakumpiska sa Bacolod

NAKUMPISKA ng National Bureau of Investigation (NBI) ang bulto-bultong pekeng gamot matapos salakayin ang bodega ng supplier nito sa Bacolod City.

Ayon sa ulat ni NBI Bacolod head Jose Ermie Monsanto, ang pagsalakay ay isinakatuparan ng NBI Manila’s Intellectual Property Rights Division matapos itong ireklamo ng kumpanyang United Laboratories Inc. (Unilab).

Base sa reklamo, pinipeke ang kanilang mga produkto sa ilang botika sa lungsod.

Makaraang mapatunayang hinuwad ang produkto ng Unilab, sinabi ni Monsanto na nahaharap sa paglabag sa Intellectual Property Rights Code of the Philippines ang supplier ng pekeng medisina.

Samantala, nagbabala naman si Monsanto sa publiko na mag-ingat at siguruhin na ang medisina na kanilang binibili ay orihinal at hindi peke upang hindi malagay sa panganib ang kalusugan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply