Performance ng DPWH apektado ng project realignment

MALAKI ang epekto ng mga realignment ng mga proyekto sa pangkalahatang performance ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa buong bansa.

Ibinunyag ni Public Works Secretary Rogelio Singson na 893 proyekto o 68% ng 1,311 mga proyekto na nakatakdang isagawa ngayong 2011 ang hiniling ng mga politiko at kanilang mga nasasakupan  na ma-realign o magamit ang nakalaang pondo sa ibang proyekto o pangangailangan.

Subalit ayon kay Singson, imbes na ibigay agad-agad ang pondo sa mga politiko na nakagawian na noong mga nakalipas na administrasyon, kailangan munang magsumite ang mga ito ng kanilang mga programa, mga planong pagbabago at detalyadong suma ng mga gagastusin  sa realigned projects bago ito i-bid out muli sa mga kontratista.

Sa ilalim ng bagong reporma sa DPWH, mahigpit na ang ahensya sa pagpili at pag-apruba ng mga proyekto ng mga re-aligned projects upang masiguro na ang mga ninanais na resulta ay mga mamamayan ang magbebenepisyo.

Iniutos na din ni Singson ang pagrepaso at rebidding ng mga kontrara ng pamahalaan, at kinansela na rin ang mga inaprubahang mga kontrata na pinasok ng Arroyo administration.

Itinuloy din ang ibang naiwang mga proyekto ng nakalipas na pamahalaan na nagkakahalaga ng P8.5 bilyon o 969 kilometro ng national roads at 3,700 lineal meters ng mga tulay, itinayo, inayos sa unang quarter ng 2011 sa buong kapuluan.

Idagdag pa ang mga natapos nang 263 lineal meters ng tulay sa mga kanayunan kasama ang 8.3 kilometro ng farm-to-market roads sa halagang P31 milyon sa ilalim ng pondo ng Department of Agrarian Reform (DAR), 448 silid-aralan sa halagang P243 milyon  programa ng Departent of Education (DepEd) Schoolbuilding Program, at 2,242 o P1.5 bilyon halaga ng imprastraktura na kinabibilangan ng maliliit na supply ng tubig, pasilidad ng paaralan, kalusugan at pagsasaayos ng mga ospital.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply