Petition for review sa pag-abswelto kay Lacson ibinasura ng SC

IBINASURA ng Supreme Court (SC) ang kahilingan ng pamilya Dacer na maisailalim sa petition for review ang desisyon ng Court of Appeals na nag-aabswelto kay Senador Panfilo Lacson sa kaso ng Dacer-Corbito double murder case.

Ayon kay SC spokesperson Midas Marquez, sinabi sa desisyon ng SC 3rd division na hindi ang magkakapatid na Dacer ang tunay na partido na sangkot sa kaso kundi ang estado mismo

Binigyang diin ng korte na ang office of the Solicitor General lamang ang maaaring kumatawan sa estado sa criminal proceedings.

Bukod pa rito, sinabi ng korte na nabigyan naman umano ng sapat na pagkakataon ang pamilya Dacer para ilahad ang kanilang argumento noong nasa CA pa ang kaso.

Una nang sinabi ng CA sa desisyon na hindi kapani-paniwala ang testimonya ng testigo na si dating police col Cesar Mancao na nag-uugnay kay Lacson sa pagpatay kay Bubby Dacer at Emanuel Corbito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply