Petron Blaze magliliyab kontra Meralco Bolts

MAGNININGAS ang bagong bihis na Petron Blaze kontra sa Merlaco Bolts sa pagbabalik laro sa Astrodome bukas ng gabi, Linggo, na katatampukan ng Comissioner’s Cup runner up Barangay Ginebra laban sa Powerade Tigers.

Pansamantalang huhugutin ng M-Bolts si Asi Taulava sa Smart Gilas Pilipinas team para umalalay sa Meralco franchise bilang kahalili nina Marlou Aquino at Chriss Ross na parehong may karamdaman.

Ang Petron Blaze ay unang masasaksihan sa playing court na magdaragdag ng ibayong kapanabikan sa mga aficionado ng professional game na PBA.

Sa panig ng Barangay Ginebra, patuloy na nakatuon ang atensyon ng coaching staff kina Chad Alonzo, Mark Andaya at Eric Rodriguez para pansamantalang ihahalili kina Rico Villanueva at Billy Mamaril na parehong may pilay.

Samantala, si Rudy Hatfield na pansamantalang nagpapahinga ay nasa Estados Unidos na kung saan nilalakad niya ang ilang personal na bagay.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply