Petron Blaze vs Meralco Bolts ngayong gabi

MAGBABANGONG puri ang bagong bihis na San Miguel Beermen sa kanilang masamang laro sa PBA Commissioners Cup sa pagsabak nila sa 36th season ng PBA.

Una ay ang pagpapalit ng nom de guerre  na Petron Blaze Boosters at pangalawa ay ang pagpapalit ng player na kung saan ay ihaharap nila ang 6.2 guard na si Ricky Harris na mula sa University of Massachusetts.

Unang sasabak ang Petron Blaze laban sa Meralco Bolts simula alas-5:30 ng hapon na kung saan ang tropa ni coach Ato Agustin ay sasabak sa pamamagitan nina Jay Washington  at mga sophomore na sina Rabeh Al-Hussaini,  Severino “Nonoy” Baclao at Rey Guevarra.

Ang makakatunggali nilang Meralco Bolts ay muling ipinabalik si Chamberlaine Oguchi na nakapaglaro ng 6 games sa Commissioners Cup na kung saan nag-average siya ng 30.7 pts, 30 rebounds at 2 assists.

Ang Barangay  Ginebra ay ipaparada ang kanilang import na si Curtis Stinson at ang mga datihang sina Mark Caguiao, Erick Menk at ang posibleng makabalik larong si Jayjay Helterbrand. Bahagyang nakaangat ang Barangay Ginebra sa Powerade Tigers na nakuha ang serbisyo ni Chris Porter na dating nakapaglaro sa Ginebra Gin Kings may ilang season na ang nakararaan.

Siya rin ang itinuturing na pinakamatangkad na manlalaro sa taas na 6’5” na pwedeng maglaro sa liga partikular sa Powerade Tigers dahil sa konsesyon nito kaugnay ng dalawang pagkakatalo sa elimination na katulad na bilang na komperensiya.

 

 

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply