PH kulang sa kagamitan vs China

MALAKI ang kakulangan ng bansa sa kagamitang pangdigmaan upang idepensa ang bansa para magamit sa pagbibigay seguridad sa teritoryo ng Pilipinas sa Spratly Island.

Nangangailangan ang bansa ng sapat na pondo upang makabili ng makabagong gamit na gagamitin sa pagbibigay ng proteksyon sa pinagtatalunang Spratly Island.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Eduardo Oban, sa kasalukuyan mayroon lamang isang radar ang AFP para magamit sa monitoring gayong anim ang kinakailangan.

Dahil dito, kailangan ng AFP ng pondong P11.9 bilyon sa loob ng 3 taon para makabili ng mga bagong kagamitan sa pagbibigay ng proteksyon sa teritoryo ng Pilipinas sa Spratly.

Una rito, anim na insidente na ang naitalang pagpasok ng China nang walang pahintulot sa Spratly Island.

Inihayag ng AFP, dedepensa  umano ang tropa ng Pilipinas kapag inatake ng anumang puwersa sa pinag-aagawang Spratly Island.

Pero tiwala si AFP Chief of Staff Oban, na mareresolba sa diplomatikong pamamaraan ang gusot sa Spratly na hindi na kailangan pang humantong sa digmaan.

Nilinaw naman ni Oban na walang kinalaman sa tensyon sa West Philippine Sea ang pagdating ng USS Chung-Hoon.

Ang nasabing US warship ay nakatakdang darating sa Palawan sa susunod na linggo para sa military exercises.

Iwasan umano ang mga ispekulasyon na hindi naman nakatutulong sa problema.

Sa isyu ng Spratlys, patuloy lamang umano ang mandato ng AFP katuwang ang Philippine Coast Guard para bantayan ang ating teritoryo.

Dapat umanong panatilihin ang military presence sa mga territorial waters para ipatupad ang maritime laws at proteksyunan ang soberenya ng bansa. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply