PH team sa Seagames tinumbok

PINANGALANAN na ng Philippine Volleyball Federation (PVF) ang national men’s at women’s volleyball teams na maaaring makalaro sa 2011 Southeast Asian Games sa Indonesia sa November 11-25.

Ang women’s team ni coach Sinfronio Acaylar ay kinabibilangan nina Cherry Macatangay, Rachel Anne Daquis, Michelle Carolino, Dahlia Cruz, Mary Jean Balse, Suzanne Roces, Janette Doria, Nica Guliman, Pau Soriano, Hezzymei Acuna, Cristina Salak, Marietta Carolino at Patricia Torres.

Samantala, ang men’s team naman ay titimunan ni coached Cesael Delos Santos .

Kabilang sa mga kasapi sina Jeffrey Malabanan, Carlo Sebastian, Jessie Lopez, Paolo De Ocampo, Edmund Hu, Raffy Mosuela, Nino Jeruz, Dave Tormis, Rex Castro, Rodolfo Labrador, Alnakran Abdilla, Edjet Mabbayad, John Balse at Nestor Molate.

Ayon kay PVF president Gener Dungo, karamihan sa mga miyembro ng team ay mga bata pa.

“We are preparing for the future,” pahayag niya.

Ngunit sinabi niya na ang line-up ay posible pang mabago dahil balak nitong kumuha ng Filipino-foreigners.

Aniya, kukuha sila ng Fil-foreign players mula sa United States na kasapi ng women’s team pagkatapos ng 2011 Asian Women’s Club Championship mula June 19-25 sa Vietnam .

“We will only select the best players in terms of performance,” pahayag ni Dungo. “We are glad that we discovered new talent because of the recent Philippine National Games.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply