Pisikal na Game 1 sa PBA D-League

ISANG maatikabong salpukan Martes ng hapon, Hunyo 14, sa pagitan ng top favorites NLEX Road Warriors at ng Cebuana Lhuillier Gems sa panimula ng best-of-3 finals ng PBA Developmental League Foundation Cup sa The Arena sa San Juan City.

Halos magkapantay ng lakas ang koponan nina coach Boyet Fernandez at head mentor Luigi Trillo batay sa kani-kanilang ipaparadang manlalaro. Ang Road Warriors ay sasandal sa San Sebastian Stags stalwarts Ronald Pascual, Clavin Abueva at Ian Sangalang nasusuportahan ng Fil-Am na si Clifford Hodge at Eric Salamat.

Ang Gems ay magpapakinang sa mga ex-Phil Patriot mainstays na sina Benedict Fernandez at Alein Maliksi na susuportahn nina Pari Llagas, Kevin Alas at JR Sena.

Kapwa defensive-oriented ang dalawang top team kaya hindi malayong maging pisikal ang serye. Naisalpak ang best-of-3 nang durugin ng Gems ang PC Gilmore Wizards, 83-55 habang dinispatsa ng Road Warrioors ang Max! Bond Super Glue Sumos sa iskor na 74-61.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply