PI sa pinaslang na prosecutor maemosyonal

NAGING emosyonal ang mga kaanak ng napatay na provincial prosecutor ng Maguindanao na si Akilali Balt sa idinaos na preliminary investigation sa Department of Justice.

Mangiyak-ngiyak na inilahad ng mga kaanak ni Balt ang kanilang pagnanais na mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng piskal at mapanagot ang mga salarin.

Ayon kay Dato Kabugatan Farouk Balt, karamihan sa kanila ay bumiyahe pa mula sa Lanao del Sur.

Samantala, hindi naman nakasipot sa pagdinig ang respondent na si Barira Mayor Ibrahim Mangudadatu, ang itinuturong utak sa pagbaril kay Balt noong Marso.

Bunsod nito, muling itinakda ng panel of prosecutors na binubuo nina Asst State Prosecutor Vimar Barcellano at Prosecution Attorneys Gerard Gaerlan at Mark Roland Estepa ang pagdinig sa ika-16 at ika-23 ng Hunyo kung kailan naman inaasahang makapagsusumite ng kanyang counter affidavit si Mangudadatu.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply