‘Pig-kill’ sa Catanduanes dumarami

BUKOD sa 15 nang namamatay na baboy, 172 pa ang naitatalang may sakit ngayon sa bagong kaso ng “pig-kill” sa bayan ng Pandan sa lalawigan ng Catanduanes.

Ayon kay Pandan Mayor Resty de Quiroz, nagkaroon ng pig-kill sa mga barangay ng Del Sur, Libod at Napo sa naturang bayan.

Inaalam pa ang dahilan ng pagkakasakit ng mga alagang hayop.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat, sinabi ng provincial veterinarian na maaaring nakuha ng mga baboy ang sakit mula sa maruming pagkain, inumin at kapaligiran.

Dahil dito, hihigpitan na ang paglalabas ng mga karneng baboy mula sa bayan ng Pandan upang maiwasan ang pagkalat ng nasabing sakit.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply