Pilipinas pinuri ng US sa pagsugpo sa human trafficking

PINURI ng Estados Unidos ang bansang Pilipinas at Singapore sa kaugnay sa pagsugpo sa lumalalang kasong human trafficking.

Batay sa report ng U.S. State Department’s Trafficking In Persons (TIP), ang bansang Pilipinas ay nagsusumikap na masugpo ang tumitinding kaso ng human trafficking.

Partikular na binigyang-pansin sa TIP report ay ang pagkakahatol sa 25 trafficking offenders.

Lumalabas sa pagtatala ng US na mataas umano ito kung ikukumpara sa siyam na kaso na naitala sa mga nakalipas na taon.

Kasama ang Singapore, Laos at Pilipinas, na nasa Tier 2, sa mga bansang hindi matugunan ang pamantayan sa human trafficking pero gumagawa ng paraan para labanan ito.

Nananatili naman sa Tier 2 ang bansang Indonesia at Cambodia subalit nasa watchlist pa rin ang Brunei, Malaysia, Thailand at Vietnam.

Ang tanging bansa sa Asya na nasa Tier 1, na tumutupad sa pinapairal na standard ng Trafficking Victims Protection Act (TVPA), ay South Korea at Taiwan.

Matatandaang, ipinagmalaki ng pamahalaan ang mahusay na rekord ng gobyerno sa paglaban sa human trafficking.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, malaki ang pinagbago ng gobyerno sa panahon ni Pangulong Benigno Aquino III sa nasabing kampanya dahil sa loob ng nakalipas na siyam na buwan ay nakapagtala ang Pilipinas ng conviction sa 21 kaso ng human trafficking.

Malaki aniya ang naitulong ng ipinakikitang suporta ng pamahalaan sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), na isang pangunahing ahensya na tumututok sa mga kaso ng human trafficking matapos pondohan ng gobyerno sa kauna-unahang pagkakataon ang operasyon ng IACAT para sa taong ito.

Ginawa ni De Lima ang pahayag matapos tukuyin ng US State Department sa kanilang Trafficking in Persons Interim Assessment na malaki ang iniunlad ng Pilipinas sa paglaban sa human trafficking bunsod na rin umano ng pagbibigay prayoridad ng DOJ at ng Korte Suprema sa pag-usad ng mga trafficking case. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply