Pilot episode ng ‘Guns And Roses’ tinutukan ng million viewers

VERY happy ang buong cast ng pinaka-astig na action-love story ng Kapamilya Primetime na “Guns and Roses” led by Robin Padilla and Bea Alonzo with Diether Ocampo, Empress Schuck, at Ejay Falcon na nag-pilot episode last Monday night sa Dos.

We heard na mataas ang rating na nakuha nito sa araw na ‘yun kaya hindi lang sina Binoe at Bea ang masaya kundi ang buong production team at mga director ng said teleserye na sina Direk Trina Dayrit at Rechie del Carmen, pati na rin ang bigwigs ng Star TV headed by Ma’am Malou Santos, Roxy Liquigan, Mico del Rosario etc.

Well, hindi naman kataka-takang mag-click ito dahil maliban na sa maganda ang istorya nito, marami pang kilig moments rito sina Robin at Bea.

Mahuhusay nga pala ang supporting cast nito tulad nila Mark Gil, Isabel Rivas, Pinky Amador, Nanding Josef, Liza Lorena, Ketchup Eusebio, Ina Feleo, Gladys Reyes, Justine Cuyugan, Makisig Morales at Pen Medina.

***

Female TV host at gay model host nagsabunutan sa gitna ng taping ng kanilang show

ACTUALLY, matagal ng chika na ito na kaya raw nawala bigla ang gay model-TV host sa kinabibilangang late nite show ay dahil sa madalas silang mag-away ng kasamahang female TV host. Masyado, kasing mabisyo itong si babaeng personalidad. Chain smoker, na tomadora pa. Imagine! Kahit sa oras ng taping nila ay con todo shot raw ng wine ang babaitang host kaya naman asar sa kanya ang baklitang may disiplina sa katawan, kaya sinasaway siya nito.

‘Yung tatlong male hosts agree lang nang agree sa kanya. Afraid kasi na mawalan sila ng work. Kaya sa kakasaway ni Bading, naasar sa kanya ang female host. Hayun, sinampal-sampal at sinabunutan siya nito.

Aba! Hindi nagpatalo ang dyokla dahil gumanti rin ito ng apat na magkabilang sampal sa kanyang Lady Boss. Ang ending, sa araw ding ‘yun ay tinigbak siya sa show.

Sayang, nawalan tuloy siya ng libu-libong halaga ng kanyang talent fee na tinatanggap sa programa.

At ang latest chika kay naturang female TV host, noong holy week nang magtaping sila sa Boracay ng kanyang tropa at may fan na gustong magpakuha sa kanya ng picture. Tumanggi ang staff nito dahil bangag na bangag daw ang itsura ni Ate dahil nakatira nga raw ito ng drugs. True ba ito?

Shocking, Gyud.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply