Pilyo, matinik na solon hiwalay na sa kanyang misis

GAANO kaya katotoo ang natanggap na balita ng matang kuwago ng Remate na hiwalay na sa kanyang asawa ang isang simple subalit pilyo at matinik na mambabatas.

Sa impormasyong nakalap ng Remate, nag-ugat ang isyu ng hiwalayan ng mag-asawa matapos maiugnay ang mambabatas sa isang kilala at sikat na artista este pangalan sa lipunan.

Noong una umano kasi, ayaw paniwalaan na mayroong ibang babae at kaya pa naman umanong unawain ng misis ang naturang mambabatas subalit ang hindi niya matanggap ay nang maiugnay ang kanyang mister sa isang babeng mayroong dating sakit na tulo.

Hindi naman puwedeng sabihing pangit si misis dahil pang-beauty queen ang tayo nito at pang-videoke queen pa nga ito sa ganda  ng kanyang boses kapag umaawit.

Mahilig din kasing gumimik o uminom sa mga bar itong mambabatas kaya’t malamang na doon niya nakilala ang kinaiinisan o pinagseselosang babae ng kanyang misis.

Clue: May ambisyong maging pinakamataas na lider ng bansa ang naturang mambabatas.

Ang tanong: Sakaling magkatotoo ang kanyang ambisyon, sino kaya ang kanyang magiging First Lady, ang orig o ang nang-aakit sa kanya?

Sige, bahala na kayong manghula.

Maiwan ko na kayo dahil nagugutom na ako.

Gusto kong kumain ng spaghetti na punom-puno ng cheeze sa ibabaw.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply