Pinakamalaking marine ship ng China dadaan sa Spratlys

NAALARMA ang gobyerno ng Pilipinas sa ginawang deployment ng Chine government ng kanilang pinakamalaking marine patrol ship sa kabila ng namumuong tensyon sa naturang bahagi ng karagatan.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, patungo na ang barkong “Hixum 31” sa Singapore na dadaan sa Paracel at Spratly Island.

Ang barko na may timbang na 3,000 tons, ay mayroon umanong sariling helicopter pad at kaya nitong bumiyahe ng 40 araw sa karagatan sa bilis na 18 knots.

Ang Paracel ay bahagi ng teritoryong pinag-aagawan ng China at Vietnam habang kapwa naman umaangkin ang China at Pilipinas ng pag-aari sa Spratlys.

Iginigiit ng China na sila ang  nakasasakop sa malaking bahagi sa karagatan may 648,000  square miles (1.7 million square km), kasama rito ang Spratly at  kanugnog na lugar

Maliban dito, ikinabahala rin ng kalihim ang naunang report ng Philippine Navy hinggil sa mga narekober na mga foreign markers sa mga islang pag-aari ng Pilipinas.

Si Del Rosario ay kasalukuyang nasa Australia para sa Philippine-Australian Ministerial Meeting. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply