Pinakamalaking rebulto ni Rizal pasisinayaan ni PNoy

NAKATAKDANG magtungo si Pangulong Noynoy Aquino bukas, ika-19 ng Hunyo, sa lungsod ng Calamba para pasinayanan ang pinakamalaking monumento ni Dr. Jose Rizal.

Makakasama ni Pangulong Aquino sina Calamba City Mayor Joaquin M. Chipeco at Laguna 2nd District Congressman Justin “Timmy” Chipeco sa pagbubukas sa munomentong tinatayang kasingtaas ng apat na palapag na gusali.

Ang naturang rebulto ay may taas ng 22 talampakan na ayon kay Mayor Chipeco ay nagrerepresenta sa 22 linguwahe na alam ng pambansang bayani ng Pilipinas.

Naglagay din umano ng labing-limang steps na hagdanan sa naturang rebulto upang irepresenta na naipatayo ito sa administrasyon ng ika-labing limang pangulo ng bansa.

Nabatid na ito na ang pinakamalaki at pinakamataas na monumento ni Rizal sa buong mundo. Nauna ng itinanghal bilang pinakamalaking rebulto ni Rizal ang nasa Nueva Ecija bago naitayo ang munomento sa Calamba.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply