Pinas binalaan ng China sa iresponsableng pahayag

MATAPOS dagsain ng reklamo sa panghihimasok sa teritoryo ng Pilipinas sa South China Sea, binatikos ng Chinese government ang Pilipinas dahil sa mga iresponsableng pahayag kaugnay sa kontrobersiyal na usapin.

Sa isang kalatas, iginiit ng China na dapat magdahan-dahan ang Pilipinas sa mga pahayag dahil lalo lamang ito makapagpapagulo sa sitwasyon.

“China demands that the Philippines stop unilateral actions that damage China’s sovereignty and interests at sea and could lead to the expansion and complication of the South China Sea dispute, and stop issuing irresponsible comments that are inconsistent with facts,” giit ni Chinese Foreign Ministry spokesman Hong Lei sa isang kalatas.

Muli ring binigyang diin ni Hong ang kanilang karapatan sa pinag-aagawang teritoryo.

Una nang naghain ng prostesta ang Pilipinas sa sinasabing pananakot ng Chinese military vessels sa pinag-aagawang rehiyon.

Sa kabila nito, binanggit naman ng oisyal na bukas ang kanilang gobyerno na makipag-usap sa Pilipinas para sa mapayapang resolusyon sa kaso.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply