Pinas inalis na sa US human trafficking watchlist

PORMAL nang tinanggal ng State Department ng Estados Unidos ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang nasa kategorya ng “tier 2” sa human trafficking, ayon sa ulat kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon sa ulat, bagama’t hindi pa buo ang pagtugon ng Pilipinas upang masawata ang trafficking sa bansa, gumagawa naman ng pamamaraan ang bansa upang matugunanan ang problema.

Noong isang taon, nalagay ang Pilipinas sa talaan ng mga bansang nasa tier 2 watchlist kabilang ang Afghanistan, Iraq, Libya, Syria, Mozambique, Algeria, Lebanon, Yemen, Vietnam, Thailand, Laos, Malaysia, Bangladesh, India, Sri Lanka, Kazahkstan, Niger, Tunisia, Guatemala, Panama, Venezuela, China, at Russia.

Malugod namang tinanggap ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario ang ulat ng Unites States State Department.

Ayon sa kalihim, ang inilabas na ulat ng Estados Unidos ay isang pagkilala sa mga ginawang hakbang ng pamahalaan sa ilalim ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa krusada laban sa human trafficking.

Pinapurihan din ni Del Rosario ang inter-agency against trafficking (IACAT) sa ilalim ng pamumuno nina Justice Secretary Leila De Lima, Undersecretary Jose Vicente Salazar at Foreign Affairs Undersecretary Esteban Conejos, sa kanilang sama-samang pagkilos at pagpupunyagi para masawata ang illegal na pagpupuslit ng mamamayan palabas ng Pilipinas.

Ang human trafficking ay isang iligal na pangangalakal ng isang tao para sa puwersahang pagtratrabaho o kaya naman ay pagsasamantalang sekswal.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply