Pinay maid utas sa HK road accident

PATAY ang isang Filipina domestic helper sa isang aksidente sa lansangan sa Kowloon, Hong Kong, iniulat ng awtoridad.

Ayon sa report, bitbit ng hindi muna pinangalanang Pinay ang kanyang alaga para ihatid sa paaralan nang mabundol ng sasakyan sa Kowloon Tong area.

Nabatid na dead-on-the spot ang Pinay na tinatayang nasa 30-anyos habang tumakas naman ang kanyang alaga na sinasabing sugatan din sa aksidente.

Inaalam na ng Department of Foreign Affairs ang pagkakilanlan ng biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply