Pinay sa Riyadh nakaligtas sa bitay

ISANG Overseas Filipino Worker na nakaligtas sa parusang bitay dahil sa kasong adultery sa Riyadh ang nakabalik na sa bansa, Martes ng umaga.

Ayon kay Josie Damaso, ng  Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)-NAIA sub-office, dumating lulan ng Cebu Pacific Air flight mula sa Riyadh via Singapore ang OFW na itinago sa pangalang “Nena.”

Si “Nena” ay inaresto noong October 2009 nang magsagawa ng pagsalakay ang Saudia police sa tinatawag na illegal workers sa kanilang bansa.

Base sa report ng Department of Foreign Affairs, (DFA) habang nasa korte si Nena para sa kanyang kasong illegal worker, napaamin din ito na nagkaroon ng ‘illicit affair’ sa isang lalaki dahilan upang hatulan ng kamatayan.

Mahigpit na ipinagbabawal sa Saudi Arabia o anumang bansa sa Gitnang Silangan na konserbatibo sa relasyong pantao, partikular ang mga hindi kasal at mga walang dokumento sa kasal.

Napatunayang nagkasala si Nena sa batas ng Saudi government kaya nasentensiyahan ito ng kamatayan noong October 27, 2010.

Nitong nakaraang May 10, sinuwerte si Nena dahil nagbago ang ihip ng hangin makaraang irekonsidera ng huwes ang kanyang desisyon hanggang baguhin ang hatol na nauwi sa tatlong taong pagkakulong.

Pinayuhan naman ng Philippine Embassy sa nasabing bansa ang mga OFW na respetuhin at laging igalang at sumunod sa batas ng ibang bansa upang makaiwas sa anumang kaparusahan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply