Tangke ng gas sumabog: Pinay sugatan sa Brunei

NAGTAMO ng maraming paso sa katawan ang isang Pinay makaraang sumabog ang tinutuluyan nitong apartment sa Sultanate ng Brunei.

Batay sa ulat. nagkaroon ng gas leak sa gusali na tinitirhan nito sa Kuala Belait district.

Nabatid na sa lakas ng pagsabog, nagtamo ng 25 percent na paso ang katawan ng biktima.

Hinala ng pulisya na nagluluto ang naturang Filipina nang maganap ang insidente, kung saan kahit matindi ang pinsala ay nagawa pa nitong makalabas sa gusali para humingi ng saklolo.

Kaagad namang naisugod sa ospital ang nasabing ginang na hindi pa batid ang pagkakakilanlan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply