Pinoy chessers nakisalo sa liderato

TATLONG Pinoy woodpushers ang nag-aagawan sa top spot matapos manalo sa kani-kanilang laban sa third round ng nagaganap na 2nd Chairman Prospero A. Pichay, Jr. Cup International Open Chess Championship sa Subic Bay Travellers Hotel sa Subic, Olongapo City.

Sina Olympiad veterans GMs John Paul Gomez, Darwin Laylo at IM Richard Bitoon ay sinulong ang ikatlong sunod na panalo upang makisalo sa una hanggang ika-apat na puwesto kasama si Wang Chen ng China.

Tinalo ni Gomez si GM Barus Cerdas ng Indonesia upang iayos ang laban kay Bitoon sa top board ng round 4.

Pinisak ni Bitoon ang kapwa Pinoy na si GM Mark Paragua habang giniba ni Laylo si Yu Ruiyuan ng China upang makaharap naman sa susunod na round si Wang na pinayuko ang kapwa Chinese na si Shanglei Lu.

Sina Asia’s first grandmaster Eugene Torre at 12-time national champion GM Rogelio “Joey” Antonio ay nasa fifth to 15th places na may 2.5 puntos.

Hindi pinaporma ni Antonio si IM Tirta Chandra Purnama ng Indonesia habang nakipaghatian ng puntos si Torre kay Zhong Zhang ng Singapore.

Makakaharap ni Antonio si Lu habang makakalaban ni Torre si GM David Arutinian ng Georgia. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply