Pinoy golfer No. 2 sa US Open

TINITINGALA na bagong sikat na golfer sa mundo na si Rory Mcllroy sa pagkakapanalo niya sa US Golf Open.

Subalit ang mga fanatics ay hindi dapat na iwaglit sa isipan ang pagkakasukbit sa pangalawang pwesto ni Jason Day na pumangalawa sa Mcllroy at tinanghal na isa sa nangungunanag 10 player ng golf sa PGA sa taong 2011.

Ang 23-anyos na Filipino Australian ay nagpakita ng galing sa 2011 season at kasalukuyang nasa ika-siyam sa talaan ng manlalaro sa mundo at pinakasikat na golfer sa bansang Australia. Sa kanyang debut sa Masters noong Abril tumapos siya ng pangalawa kapantay ng kapwa ng Australianong si Adam Sott. nakuha rin niya ang panglimang pwesto sa HP Byron-Nelson Championship noong Mayo.

Si Day ay isinilang na isang Australiano ang ama at Filipina ang ina na kapwa nagtatrabaho bilang meat workers sa Queensland, Australia.

Sa isang panayam noong Abril sinabi ni Day na nakuha niya ang kanyang ugaling mapagsapalaran sa kanynag ina na isang mapagsapalarang babae na labis niyang hinangaan.

“Lagi niya saking sinasabi na talunin ko lahat ang aking makakalaban, hindi lang basta talunin kundi durugin sila,” bigay-diin ni Jason.

Ayon sa kanyang ina na si Dening, dapat na ilagay niya sa isipan ang “killer instinct” at nang mapansin ng ina na may taglay na potensyal ang anak sa golf ay ipinadala niya si Jason sa isang golf academy.

Walang ipankitang seryosong banta si Day kay Mcllroy sa US Open subalit determinado ang Fil-Australian na makabwelta sa Nobyembre sa idaraos na Australian ng PGA Champinoship sa kanyang kauna-unahang paglahok sa kompetisyon.

Binigyan-diin pa ni Day na sabik na sabik na siyang magbalik sa Queensland at makapaglaro sa PGA sa Coolun.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply