Pinoy na dinukot sa Yemen iniharap sa media ni PNoy

INIHARAP ni Pangulong Benigno Aquino III ang isang OFW na 19 araw na hawak ng mga rebelde sa Yemen makaraang mapalaya dahil sa “presure” ng gobyerno ng Pilipinas.

Tinukoy ng Chief Executive si Ramon de Castro, isang engineer na tubong Batangas.

Tiniyak ng nadamay lamang si De Castro sa kaguluhang pampulitika sa nasabing bansa kung saan ang mga demand ay paaralan, kalsada at imprastraktura.

Sa kabilang dako, inihayag naman ni De Castro na sa loob ng 19 araw ay isang tinapay at konting tubig lamang ang ibinigay sa kanila ng mga rebelde at noong Abril 25 ay  nakatakda sana siyang  pugutan ng ulo.

Mabuti na lamang umano at dumating ang kinatawan ng Pilipinas na galing pa sa Middle East kaya hindi itinuloy ang pagpatay sa kanya.

Sa ulat, noong May 6, ganap na siyang pinalaya kasama ang Sri Lankan.

Binigyang diin ni De Castro na walang ransom na binayaran ang gobyerno o Agrekko  multinational power generation rental company.

Kumbinsido ang Pinoy worker na na-pressure ang kanyang kidnappers nang putulin ng Agrekko ang supply ng koryente sa lugar.

At sa kabila ng naranasan ay babalik pa rin umano sa abroad ang Pinoy pero sa Dubai na tutungo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply