Pinoys hindi kailangan ang diborsiyo — CBCP

IGINIIT ng isang Catholic archbishop na hindi diborsiyo ang solusyon sa marital problems sa bansa.

Ayon kay Jaro Archbishop Angel Lagdameo, bilang isang Katolikong bansa, kayang mamuhay ng mga Pinoy kahit wala ang diborsiyo.

Paliwanag pa ni Lagdameo, dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), may Canon law at moral principles naman ang Simbahan para gabayan ang mga mag-asawang Katoliko para sa agarang pagresolba ng kanilang mga problema.

Naniniwala rin si Lagdameo na ang pagtutol ng mga Pinoy sa diborsiyo ay pagpapatunay na pinahahalagahan pa rin nila ang kasagraduhan ng kasal.

Mungkahi ni Lagdameo, dapat na matalinong pag-aralan ang diborsiyo, dahil mas marami aniya itong masamang epekto hindi lang sa isang pamilya, kundi maging sa lipunan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply