Pintados festival nauwi sa rumble, 10 sugatan

SUGATAN ang 10 katao matapos mauwi sa rumble ang parada ng Pintados sa Tacloban kaninang hapon, Hunyo 27, sa pagitan ng dalawang grupo.

Sa kabila naman ng kaguluhan ay itinuloy pa rin ang parada ng organizers ng Pintados na ginanap sa Leyte sports complex.

Sa pahayag ng mga organizer ng Pintados festival, sinabi ng mga ito na dismayado sila dahil hindi binigyan ng pagkakataong pumarada sila sa syudad ng Tacloban.

Nag-ugat ang kaguluhan matapos hindi sinunod ng Pintados organizers ang ruta na ibinigay ng city government.

Una rito, uminit ang nasabing isyu nang pumabor ang korte sa Pintados Foundation Inc. na magkaroon ng parada sa major roads ng lungsod na siya namang ikinairita ng city government.

Ang Pintados festival ay cultural-religious celebration sa lungsod ng Tacloban batay sa body-painting traditions ng ancient tattooed “pintados” warriors.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply