Pintados ng Tacloban aarangkada na

AARANGKADA na ang kilalang Pintados parade ng Tacloban City ngayong araw. Lalahokan ito ng mga grupo na manggagaling sa iba’t ibang bayan ng lalawigan ng Leyte maging sa karatig probinsiya ng Samar.

Magiging kapapanabik ang naturang parade hindi lang sa mga kalahok na magpapagalingan kundi kung haharangin nga ba ng mga tauhan ng lokal na pamahalaan ng Tacloban City dahil hindi nabigyan ng permit ang mga organizers na magsagawa ng parada.

Nagtalaga ng napakaraming pulis ang lokal na pamahalaan ng probinsiya ng Leyte at humingi pa ito ng augmentation force mula sa iba’t-ibang munisipyo ng lalawigan.

Matatandaang ilang dekada ng isisasagawa ang Pintados subalit ng magkaroon umano ng hidwaan ang kampo ng mga Romualdez ng siyudad ng Tacloban at mga Petilla ng Leyte ay nagbuo rin ng saring festival ang una at tinawag itong “Sangyaw”.

Nabatid na hindi pinapayagan na dumaan sa mga major city roads ang Pintados simula ng magkaroon ng hindi pagkakaunawaan.

Kabilang sa mga sumusuporta sa Pintados ay ang party-list na An Waray na pinumumunuan ni Rep. Florencio “Bem” Noel na sinasabing tatakbong mayor ng naturang lungsod sa darating na 2013 elections.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply