Piolo Pascual dapat sisihin sa pagkalaos ni KC Concepcion

IN A way, puwedeng masisi si Piolo Pascaul dahil parang kaning lamig ngayon ang dating ni KC Concepcion. Kung gaano siya kainit noong upstart pa lang siya’t kinilala lang bilang panganay na anak ni Sharon Cuneta, ngayon nga pangsinangag na lang ang drama niya.

But don’t you worry, kayong mga sumsuporta kay KC, kahit kaning lamig na lang ang arrive niya ngayon, puwede pa naman siyang pasarapin para iterno sa tapa at itlog. O di ba, tapsilog na ang drama ni KC Concepcion!

Anyway, mali nga yung chemistry nina Sam Milby at KC.  Wala silang dating and it looks like, box-office disaster itong paparating nilang pelikula.

Sabi nga namin, kasalanan yan ni Piolo, na sa halip na lalo pang sumikat si KC nang maging girlfriend niya ito, saka naman nalaos na parang pinandidirihan nga.

Bakit kaya?

Si Piolo naman, hanggang ngayon, namamayagpag pa rin ang career.

O baka naman talagang noon pa man, KC is on her way out dahil nga di naman siya ganoon kagaling bilang aktres. Puro porma lang siya nung simula, na in the end, wala naman palang laman. Kumbaga, na-hype lang siya noon dahil nga anak ng megastar at ni Gabby Concepcion.

Ang pangit nung kanyang arte sa Paris something nila ni Piolo Pascual na hindi nga nag-rate noon sa TV kaya sinibak agad ng ABS-CBN. Mas lalo namang pangit yung pelikulang pinagsamahan nila ni Gabby. Kaya nga nangitlog sa box-office.

Heto na ngayon, sila naman ni Sam ang magkatambal. Mukhang Sam is also on his way out. Laos na rin, kumbaga.

Laos plus laos, ano ang aasahan ninyo? Wala talaga, di po ba? (Let’s wait for the outcome of their first movie together. Basing from the trailer, they have a winner in this one specially so that they have a certified box-office director in Direk Cathy Garcia-Molina . KC’s basically a sweet girl unlike the hideous Marianita Lukresya who’s really diabolically demented. – Ed)

***

‘Lovi Poe’s the sexiest!’- -MOTHER LILY

“PERFECT ang kanyang measurements,” sabi ni Mother Lily tungkol sa aniya’y angking kaseksihan ni Lovi Poe. “Kung ilang inches ang kanyang hips, ganundin ang sukat ng kanyang bust line.”

She is also tall, long-legged. But what would make her different from other stars her age, including those with whom she co-stars in “Temptation Island,” is her golden brown skin na spotless, kumbaga.

“She’s star material, no doubt.”

Mother Lily wishes, though, that at her age (22), Lovi would concentrate on her career muna rather than sa lovelife.

Alam kasi ni Madera na masyadong gentle ang puso ni Lovi na talaga namang madaling ma-in love. Siya ang tipong mabilis kiligan kung ang kanyang mga past love affairs ang pagbabasehan. When Lovi falls, talagang ipinaglalaban nito at harangan man ng sibat, tuloy talaga siya.

Di ba, Leo Dominguez?

Is it true na balak ni Mother Lily na bigyan si Lovi ng pelikulang siya ang nasa title role sa ilalim ng Regal?

Kahit na ngayong tatlo na ang pelikula niya sa Regal Films.

Naks, si Lovi talaga ang bagong apple of the eye ni Mother Lily.

The newest regal baby, ‘ika nga!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply