Pisngi ng dalagita hiniwa ng blade

HALOS nasa  limang pulgada ang haba ng sugat na tinamo mula sa bandang ilong hanggang sa pisngi ng isang 12-anyos na 1st year high school student sa kamay ng isang 16-anyos na 4th year high school matapos magkaroon ng mainitang pagtatalo sa awayan ng magkabilang grupo sa Sta. Cruz, Manila nitong Sabado ng madaling araw, Hunyo 18.

Nitong sabado ng tanghali, naghain ng kasong physical injuries na may kasamang R.A. 7610 o child abuse law ang mga magulang ng biktima na itinago sa pangalang “Ineng” habang ang itinuturong suspek na itinago sa pangalang “Amor,”16, ay pansamantalang nasa kustodiya ng Manila Police District-Children and Women Protection Unit.

Batay sa ulat na isinunumiti kay Chief Insp. Anita Araullo, hepe ng MPD-Children and Women Protection Unit, nitong alas-3:00 ng madaling araw ng Sabado nang maganap ang nasabing insidente sa panulukan ng Doroteo Jose at Rizal Avenue sa harapan ng Grand Hotel & Restaurant.

Bago umano ang naturang insidente, isang grupo ng mga kabaklaan at babae na kinaaaniban ng suspek ang nagtungo sa nasabing lugar upang makipag-ayos umano sa kanilang awayan sa kabilang grupo.

Kasama pa umano ng suspek ang biktima nang sabay silang magtungo sa lugar at nang magkatagpo dito na umano nadiskubre na ang biktima ang nagdala umano ng gulo para mag-away ang magkabilang grupo.

Sa galit umano ni Amor, nagawa nitong sampalin sa mukha ang dalagita habang may hawak na blade at naramdaman na lamang na umaagos na ang dugo galing sa mukha ng biktima.

Tinangka umanong tumakas noon ang suspek pero dahil sa mabilis na aksyon na ginawa ng mga tauhan ni P/James Afalla, Station Commander ng MPD-Sta.Cruz Police Station 3, nadakip ang dalagita at saka ito dinala sa tanggapan ni Chief Insp. Araullo. Rene Crisostomo

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply