PISTON dismayado sa oil price hike

DISMAYADO ang militanteng grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Inihayag ng grupo ng mga pampublikong sasakyan na hindi solusyon ang dagdag pasahe para maibalanse ang kita ng mga tsuper sa patuloy na oil price hike na ipinatutupad na dambuhalang kompanya ng langis.

Ayon kay PISTON Secretary General George San Mateo, hindi lamang transport group ang makikinabang sa pag-alis ng pamahalaan sa 12% VAT kundi maging ang mga mamamayan.

Ipinaliwanag ni San Mateo na hindi epektibo ang mga programa ng gobyerno sa transport group para maresolba ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis dahil karamihan pa rin sa mga jeepney drivers ngayon ay hindi nakatanggap ng kanilang Pantawid Pasada Cards o Smart Cards.

Matatandaan na nagkaroon na naman ng panibagong oil price hike sa bansa noong Martes, HUnyo 21, bunsod na rin ng pagtaas ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado

Pinaplano ng grupo na kalampagin ang gobyerno sa paglulunsad ng pag-iingay sa kalsada para gisingin ang pamahalaang Aquino sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply