Piston mambubulabog kontra oil price hike

IKINASA ng grupong Pinag-Isang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) ang isang malawakang pangangalampag upang kontrahin ang panibagong pagtaas ng produktong petrolyo.

Ang noise barrage ay kaugnay sa panibagong pagpapatupad ng pagtaas sa presyo ng produkto ng Eastern Petroleuem.

Ayon kay Eastern Petroleum CEO Fernando Martinez, epektibo 6:00 ng umaga ngayong Martes, Hunyo 7, 45 sentimos sa kada litro ang dagdag presyo ng kanilang gasolina habang 85 sentimos naman sa diesel at kerosene.

Magsisimula ang naturang pagkilos sa ganap na 10:00 ngayon ding Martesng umaga sa harap ng isang mall sa Aurora Blvd., Cubao at inaasahan ang pakikiisa ng mga tsuper at operators ng PISTON.

Ayon kay PISTON Sec. Gen. George San Mateo, sobrang pahirap sa mga magulang lalo na sa mga driver na bugbog sa mga gastusin ngayong pasukan.

Binigyang-diin ni San Mateo na patuloy nilang isusulong ang pagbabasura sa oil deregulation at pagkundena sa sunud-sunod na pagtaas ng krudo bagay na walang ginagawa ang pamahalaan para pigilan ito. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply