Walong landslide tumama sa Olongapo City

WALONG landslide ang sunod-sunod na tumama sa Olongapo City dala ng bagyong “Falcon.”

Sa ulat,  Miyerkules ng gabi nang gumuho ang mga bahay sa Bgy. Mayuan, Olongapo habang isang sementeryo naman ang lumubog sa tubig baha sa nasabi ring siyudad.

Agad namang nagpadala ng tulong ang lokal na pamahalaan sa tinamaan ng landslide, kung saan hindi na makalabas ng bahay ang mga residente sa lugar dahil sa mataas na tubig-baha.

Wala namang naiulat na nadisgrasya sa nasabing kalamidad.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply